Loading please wait
Breeding

Pure-Breeding (Purong Pagpapalahi)

Ang purong pagpapalahi ay nakakamit sa dalawang baboy (babae at lalaki) na may parehong lahi.

Ngunit hindi dapat kalapit dugo na baboy, halimabawa nito ay tatay sa anak, nanay sa anak, kapatid sa kapatid dapat ay atleast 4th generation na kalayo ang pinagmulan.

Ang pinaka layunin ng purong pagpapalahi ay para mapalabas at maparami ang magandang lahi na pwedeng gamiting pang komersyo lalong lalo na kung gagamitin ito para mai-crossbreed sa ibang lahi. At para makita rin ang magandang inahin na gagamitin sa pagpaparami ng lahi. Gumamit lamang ng magagandang lahi sa purong pagpapalahi, dahil hindi magiging maganda ang kalalabasan pag hindi maganda ang inyong gagamiting pampalahi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *