Ang In-Breeding ay ang pagpapalahi ng mga baboy mula sa mga kalapit dugo na baboy, halimabawa nito ay tatay sa anak, nanay sa anak, kapatid sa kapatid. Ang epekto ng In-Breeding ay ang pagko-konsentrasyon ng magkaparehong gene ng baboy sa mga anak. Ngunit madaming negatibong epekto ang nanyayare sa ganitong sistema ng pagpapalahi, ilan lang dito ang maliliit na mga biik, madaming patay na mga biik, kaunti lang mag-gatas ang inahin, ayaw magpasuso ng inahin o pangit na pagiging inahin sa kanyang mga biik, delay na sexual maturity ng dumalaga at barako, kaunting sexual libido sa mga barako.
Pig Industry Information