Mga paraan para mapanatili ang regular na paglalandi ng mga inahin.
Tangalin ang mga biik sa inahin simula 4 hanggang 6 na linggong gulang ng mga biik.
Ilagay sa matuyong kulungan ang inahin
Itabi sa kulungan na malapit sa barako ang inahin, yung tipong maririnig, makikita, at maamoy nya yung barako
Wag bigyan ng pagkain ang inahin pagkawalay ng mga biik
Kinabukasan pagkalipas ng pagwawalay, pakainin ang inahin ng hanggang 4 na kilo kada araw, ito ay paraan ng paglilinis at pagpapaganda ng inahin, gawin ito hangang sa 10 araw o hanggang sa mapabulog ito sa barako.
Ilagay ang inahin sa grupo ng mga inahin (ang stress ay pwedeng magpalandi sa mga inahin)
Kung may problema sa paglalandi, subukang palitan ang pakain
Panatilihin ang magandang klima sa kulungan.
Ang inahin ay hindi dapat sobrang taba o sobrang payat. Narito ang mga criteria sa pagpili ng gagawing inahin
Pano malaman kung ang inahin ay buntis
21 araw pagkatapos ng pagpapabulog at ang inahin ay hindi nagpapakita ng paglalandi.
Gumamit ng echo scan detection device 23 to 35 na araw pagkatapos ng pagpapabulog.
Culling
Mga inahin na mahirap na magbuntis, o mga inahin na sobrang konti nalang mag buntis ay dapat nang ibenta
Mga barakong hindi na makapang buntis o infertile ay dapat naring maibenta
Roy lopez
Mga ilan anakan pwede sa inahin?
Gloria Dilag
Bkit ung inahin nmin hndi agad nabubuntis sa isang turok lng?ilan bng beses dapat turukan para mabuntis ang inahin.salamat sa payo.