Tandaan:
A. Ilipat ang inahin sa malinis na silid anakan 1-2 linggo bago manganak. Ihanda ang mga sumusunod bago manganak ang inahin:
- Silid-anakan – linisin mabuti at disimpektahan
- Painitan o Brooder para sa mga biik
- Pamutol ng pusod at buntot
- Pamutol ng ngipin o tooth nipper
- Malinis na basahang pamunas sa mga biik
- Tincture of Iodine o alcohol
B. Palatandaan ng manganganak na inahin:
- Ayaw kumain
- Nag-iingay at hindi mapakali
- Namamaga ang mga suso at may gatas na dadaloy kapag bahagyang pinisil ang suso ng inahin
- May lumalabas na maliit na dumi sa puwerta ng inahin
C. Mga dapat gawin sa bagong silang na biik:
- Tanggalin ang lamad na nakabalot sa nguso at katawan. Punasan ng malinis na basahan upang matuyo kaagad ang mga biik.
- Ilagay sa painitan ang mga biik pagkasilang upang maiwasang malamigan ang mga ito.
- Putulin ang pusod talian ito dalawang pulgada mula sa puno ng tiyan at pagkatapos disimpektahan ng tincture of iodine.
- Tanggalin ang mga pangil na ngipin ng biik, 4 sa taas 4 sa ibaba.
- Siguraduhing makasuso kaagad ang mga biik ng kolostrum. Aalalayan sa pagsuso ang mga biik na isinilang na malilit at mahina.
D. Dapat gawin matapos manganak ang inahin:
- Obserbahan ang inahin, alamin kung ito ay may lagnat.
- Upang maiwasan ang komplikasyon matapos manganak, turukan ang inahin ng antibiotiko.
- Siguraduhin na ang inunan ay inilabas ng inahin matapos ang panganganak
- Ang mga suso ay kailangan malinis ng mabuti bago sumuso ang mga biik.
Pagwawalay
- Ang mga biik ay dapat ng iwalay sa edad na 28-30 araw mula pagkasilang. Ito ay ginagawa upang hindi masagad at sa gayon ay madaling makabalik sa paglalandi ang alagang inahin.
- Dapat ng nag lalandi ang inahin sa loob ng 5 – 7 araw mula pagkawalay. Magagawa natin ang ganitong pamamaraan kung matuturuan natin ang biik na kumain ng maaga at masuportahan ang inahin ng masustansyang pagkain.