Na kompirma ng Department of Agriculture na nakapasok na sa Pilipinas ang African Swine Fever pagkatapos ng pag testing sa mga backyard pigs mula sa Antipolo Rizal
Sinabi ni Agriculture Secretary William Dar ngayong lunes (September 9, 2019) na sa blood samples ng 20 baboy na pinadala sa United Kingdom ay 14 dito ay nag positibo sa ASF(African Swine Fever). Ang mga apektadong lugar ay Rodriguez at Antipolo Rizal pati sa may Guiginto Bulacan.
Sinabi ni William Dar na malamang na positibo nga na apektado ang mga baboy sa ASF at hindi pa alam kung ano ang magiging malinaw na epekto ng virus. Ang pangalawang testing ng mga blood samples ay maipapakita kung gano ka lakas ang naging epekto sa mga baboy at ito ay mailalabas sa susunod na lingo.
Sinabi din ni William Dar na merong 7,416 na baboy ang pinatay na mula sa apektadong lugar hanggang sa 1-kilometer radius sa lugar na apektado.
Bineberepika pa ng Department of Agriculture ang ibang lugar kung meron pang apektado ng ASF. Sa ngayon ay hindi pa sila makapagbibigay ng resulta. Ang hinihinalang sanhi ng pagpasok ng ASF sa ating bansa ay sa pamamagitan ng pagpapakain sa mga baboy ng kaning baboy o food scraps na galing sa mga hotels at restaurants o dahil sa mga imported na mga pork products na galing sa mga bansang apektado ng ASF.
African Swine Fever only affects pigs, but humans can carry the disease and spread it locally. A virus quickly spreads in an affected hog, which could lead to death after three to five days.
Ang ASF(African Swine Fever) ay nakakaapekto lamang sa mga baboy at hindi sa tao. Ngunit ang mga tao ay maaaring makapagpasa ng epedemya sa ibat ibang lugar. Kung ang virus ay naipasa sa mga baboy ito ay maaaring magkasakit at maaaring mamatay sa loob ng tatlo hanggang limang araw.
Sa ngayon ang Department of Agriculture ay nakatangap ng ₱82-million pondo galing sa Department of Budget and Management para ma-iwasan ang pagkalat ng naturang sakit at kasama dito ang ₱3,000 pagbibigay tulong pinansyal sa mga apektadong mga hog raisers.
Sinabi din ng Department of Agriculture na ang gabinete ay nag aproba ng pagbuo ng National Task Force para sa Swine Disease na papangungunahan ng Department of Agriculture. O-obligahin din ng Department of Agriculture ang Department of Finance, Department of the Interior and Local Government at ang Department of Finance na mas palawigin ang “Quarantine Measures” para maiwasan ang pagkalat ng ASF sa ibang ibang probinsya.
Sinasabi din ng Department of Agriculture na maglalagay din sila ng hugasan ng talampakan sa bawat airports at seaports na kailangang gawin ng mga taong dadaan sa mga airports at seaports para mawala ang mga bakas ng swine disease.
Sa ngayon sinasabihan ng Department of Agriculture ang publiko na ligtas ang pag kain ng mga karne ng baboy. Pinatunayan ito sa pamamagitan ng pagkain ng karne ng baboy sa boodle fight kaninang umaga kasama ng DA at mga hog raisers para sa pag suporta sa ₱260-billion industriya ng baboy. Sinabi rin ng DA na ang presyo ng baboy sa market ay nagbago lang ng bahagya at mayrong sapat na supply sa mga susunod na buwan lalo na sa Christmas Season.
Sinabi rin ng Department of Agriculture na ang lahat ng mga baboy ay na inpika o nacheck ng maige bago katayin at mayrong marka galing sa National Meat Inspection Service bago mabenta sa merkado.
Samantala, sinabi ni William Dar na mayroong isang empleyado ng Department of Agriculture na ini-imbestegahan sa kadahilanang nagpapasok daw ito ng karne ng baboy mula sa China na sa kasalukuyang apektado ng ASF.
Source: CNN Philippines