Pagkatapos manganak at maiwalay ng mga biik sa inahin, ang mga inahin ay may posibilidad na matagal pa ulit mag landi. Kaya ito ang mga paraan para mapalandi ang inahin:
- Dahan-dahang sundutin ng hiniwang manibang hinog na papaya ang pwerta ng inahin kada uamaga 3 hanggang 5 araw.
- Spray-yan ng ihi ng barako ang dumalaga o inahin kada umaga 3 hanggang 5 araw.
- Dalhin ang inahin sa barako o itabi ang inahin sa kulungan ng barako.
- Wag pagsamahin ng matagal ang barako at inahin sa iisang kulungan para maiwasan ang pag-aaway.
- Kung sa tingin mo ay maglalandi na ang inahin, dalhin ang inahin sa barako kahit sandaling oras lang araw-araw.
- Pagtabihin ang inahin at barako bago pakainin.
- Habang naglalandi ang inahin sa loob ng 24 oras, pabulugan sa barako ng dalawang beses na may pagitan ng 12 hangang 14 oras kada bulog. Wag pagkastahin ang mga baboy habang mainit ang panahon.
- kung ang inahin ay hindi pa nagbubuntis, ito ay maglalandi ulit sa loob ng 3 linggo.
- 10 araw bago ang pagpapabulog, bigyan ang inahin o dumalaga ng 1-2 kilo ng extra feeds kada araw. At pagkatapos mabulugan, ipagpatuloy ang pagdagdag ng pakain ng isang lingo.
- Sa huling buwan ng pagbubuntis ng inahin, bigyan ito ng dagdag na 0.5 kilo na feeds kada araw, pero sa huling lingo pag malapit na manganak, bawasan na ang pakain at dagdagan ang tubig sa pakain para hindi maging masikip ang tiyan ng inahin para sa pagbubuntis.