Napaka importante ng pagpili ng magandang barako o boar, dahil kalahati ng katangian ng mga biik ay nakukuha sa barako. Kaya ito ang mga dapat i-konsidera sa pagpili ng barako:
- merong magandang tindig, malakas ang mga binti at paa.
- merong 12 suso na magaganda ang pagkakalagay sa katawan.
- dapat ay nagmula sa magandang inahin na nanganak ng 8-10 o mas marami pa.
- dapat ay merong normal na sex organs, aktibo, malusog at malakas na barako.
- dapat ay 8 buwang gulang nung unang serbisyo sa dumalaga o inahin.