Ang pag pili ng gagawing inahin ay hindi basta-basta, kailangan mong malaman kung ano ang katangian ng gagawing inahin para maging maayos at maganda ang pagpaparami ng iyong mga alagang baboy.
Importante na pumili ng magandang barako dahil halos 50% ng katangian ng mga biik ay manggagaling sa barako.
Ang pagpili ng gagawing inahin ay dapat may’rong sumusunod:
- Dapat mas madami o hindi ba-baba sa 12 na suso para mapadede ang maraming biik
- Pumili lamang ng gagawing inahin sa magkakapatid na may bilang na 9-10 o mas madami pang magkakapatid, at dapat ay sa unang anak (1 taong gulang na inahin) o pangalawang anak ng inahin manggagaling.
- Pwede na pumili sa mga naiwalay na biik, pag patak ng 5-6 na buwang gulang saka pag desisyonan ang gagawing inahin.
- Piliin sa naiwalay na biik ang pinaka mabilis lumaki, ito’y makaka bawas sa pag konsumo ng pakain, at menos gastos narin.
- Dapat ay may’rong malalakas na binti at paa
- Dapat ang suso ay hindi nakalubog, sobrang dami, sobrang taba
- Ang edad ay dapat hindi ba-baba sa 8 buwang gulang para sa unang pagbubuntis.
Dagdag kaalaman:
Gilt – ito ang tinatawag na dumalaga, babaeng baboy na gagawing inahin, wala pang isang taong gulang.
Sow – ito ang mga inahin na nakapanganak na ng 1-2 o madami pang beses.
Culled Sow – inahin na hindi na maganda manganak, pangit na inahin o hindi inaalagaan yung mga biik, ayaw magpa suso ng mga biik, hindi na kaya manganak.
Edad ng gagawing inahin | 8 Months |
Timbang ng gagawing inahin | 100-120kg |
Tagal ng paglalandi | 2-3 days |
Best time para magpakasta habang naglalandi | Gilts = 1st day, Sows = 2nd day |
Paglalandi pagkatapos ng pagwalay ng mga biik | 2-10 days |
Pagbubuntis | 114 days |