Ang Visayan warty pig ay isang uri ng baboy ramo sa Pilipinas na malapit nang maubos. Kilala ito sa maraming pangalan katulad ng baboy damo(tagalog), baboy ihalas(cebuano,hiligaynon), baboy tatalon(hiligaynon), bakatin(cebuano), baboy sulop(cebuano), manggalisak banban(cebuano), at biggal(cebuano). Ang Visayan warty pig ay nagmula sa dalawang isla ng Visaya sa central ng Pilipinas. Ang kawalan ng natural na habitat, kawalan ng pagkain, at ang pangangaso ng mga ganitong uri ng baboy ay ang ilan lamang sa pangunahing dahilan ng kanilang pagkawala. Dahil sa napakaliit na numero ng Visayan warty pig sa mga gubat, maunti lang ang pagkakaalam sa kanilang mga kinikilos o gawain.
Pig Industry Information